Lalaki arestado, matapos ang pag-patay sa kanyang asawa sa loob ng kanilang sasakyan

Ang suspek ay lumabas ng sasakyan at nag-tungo sa loob ng convenience store kung saan sinabi nito sa isang empleyado na nasaksak niya ang kanyang asawa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Inaresto ng mga pulis sa Hitachiota City ang isang 29 anyos na Turkish national na lalaki sa suspisyong pag-patay nito sa kanyang asawa sa loob ng isang sasakyan na naka-parada sa isang convinience store nuong gabi ng Miyerkules.

Ayon sa mga pulis, ang suspek na si Mehmet Kuru ay pinaratangan sa pananaksak sa leeg sa kanyang Japanese na asawa bandang alas-7:20 ng gabi, ayon sa ulat ng Fuji TV. Sinabi ng mga pulis na may naka-kita sa mag-asawa sa loob ng kanilang sasakyan at mukhang nag-tatalo.

Ang suspek ay lumabas ng sasakyan at nag-tungo sa loob ng convenience store kung saan sinabi nito sa isang empleyado na nasaksak niya ang kanyang asawa. Naka-labas pa ng sasakyan ang biktima ngunit ito ay bumulagta sa kalsada.

Isang witness na nasa labas ng convenience store ay tumawag sa 110 at nag-sabi na may babaeng nasaksak sa loob ng isang sasakyan. Agad na rumisponde sa tawag ang mga pulis at hinuli si Kuru. Sinabi ng mga pulis na umamin sa krimen ang suspek. Ang babae ay agad na dinala sa pagamutan kung saan ito idineklarang wala nang buhay.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund