TOKYO
Inaresto ng Tokyo Police ang isang 20 anyos na lalaki sa pag-tatangkang panloloko sa pera mula sa isang ginang sa pamamagitan ng phone scam.
Tinawagan ng 20 anyos na suspek ang ginang na nag-eedad ng mga 70 anyos, sa telepono bandang alas-3:00 ng hapon nuong ika-12 ng Agosto at nag-panggap bilang anak ng ginang, ayon sa ulat ng Fuji TV. Madali naman na naiwasan ng matanda ang panloloko dahil sa ito ay nag-konsulta na sa kanyang mga kamag-anak kung anong gagawin nito kapag maka-tanggap siya ng isang naka-hihinalang tawag sa telepono.
Ayon sa mga pulis, nakipag-sabwatan si Toshihiko Nishibayashi sa kanyang kaibigan para isagawa ang panloloko. Nang tawagan ni Nishibayashi ang ginang at nag-panggap na ito ay ang kanyang anak at nangangailangan ng pera, sinadya niyang tawagin ito gamit ang pangalan ng kanyang asawa sa halip sa pangalan ng anak nito. Nang hindi naka-sagot ang lalaki sa nasabing pagkaka-mali, dito na siya nabuko.
Sinabi ng caller na may papapuntahin siyang kakilala sa kanilang bahay upang kolektahin ang pera. Agad namang tumawag sa pulis ang ginang. Nang dumating si Nishibayashi at nagpakilala bilang ang “kakilala” ito ay agad na dinakip ng mga pulis.
Sinabi ng mga pulis na umamin sa kanila ang suspek at sinabing nagawa niya ito dahil wala siyang pera.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation