50 anyos na ginang arestado, matapos matagpuan ang labi ng ama sa loob ng kanilang tahanan

Pinaniniwalaang inabando niya ang labi ng kanyang ama nang ito ay pumanaw nuong ika-8 ng Hunyo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

SHIGA (TR) – inaresto ng Shiga Prefectural Police ang 50 anyos na ginang matapos matagpuan ang labi ng kanyang ama sa kanilang tahanan sa Lungsod ng Otsu, mula sa ulat ng Nikkan Sports (August 12).

Nuong ika-11 ng Agosto, isang staff member mula sa munisipyo ang tumawag sa Otsu Police Station matapos hindi makumpirma ang kaligtasan ng 83 anyos na si Torao Teraoka.

Nuong kinahapunan nang araw na iyon, natagpuan ng mga awtoridad ang labi ng matanda sa ikalawang palapag ng tahanan.

Kasamang naninirahan ni Teraoka ang kanyang anak na babae sa nasabing tahanan, ang anak ay walang trabaho. Nang maaresto sa suspisyon ng pag-aabandona sa isang labi, itinanggi niya ang ipinaparatang laban sa kanya.

Pinaniniwalaang inabando niya ang labi ng kanyang ama nang ito ay pumanaw nuong ika-8 ng Hunyo.

Kasalukuyang inaalam ng mga pulis ang sanhi ng pagka-matay ng biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund