Ang mga pag sinde ng apoy para sa paparating na Tokyo Paralympic Games ay nagsimula sa buong Japan mula ngayong Huwebes.
Ang mga apoy na kumakatawan sa pag-asa para sa isang kasama na lipunan ay makokolekta sa higit na 880 na mga lokasyon sa buong Japan sa iba’t ibang mga paraan na nagtatampok ng mga panrehiyong katangian.
Sa Nagano Prefecture, gitnang Japan, ang mga batang may kapansanan ay nagsinde ng apoy sa pamamagitan ng sikat ng araw. Sa timog-kanlurang prefektura ng Kagoshima, isang team mula sa isla ng Tanegashima, na pinangangalagaan ang mga matchlock muskets, ay lilikha ng isang apoy gamit ang flint.
Ang mga torch relay ay naka-iskedyul na gaganapin mula Agosto 17 sa mga prefecture ng Shizuoka, Chiba, Saitama at Tokyo, kung saan magaganap ang mga events.
Ngunit ang pagpapatakbo sa mga pampublikong kalsada sa Chiba, Saitama at Tokyo ay nakansela sa gitna ng pagkalat ng coronavirus. Gaganapin ang mga lighting ceremony at mga kaugnay na events.
Ang mga apoy mula sa buong bansa at isang nakolekta sa Britain, ang lugar ng events ng Paralympics, ay ipagsasama sa Tokyo sa Agosto 20. Ang apoy ay magpapasindi ng cauldron sa pagbubukas ng seremonya sa Agosto 24.
Join the Conversation