TOKYO (Kyodo) – Ang matinding init at humidity sa Japan ay naging pangunahing hadlang para sa mga atleta na nakikipagkumpitensya sa Tokyo Olympics kahit na binigyang diin ng mga organizers na gumagawa sila ng sapat na mga hakbang upang maiwasan ang mga naturang kundisyon mula sa pagkakaroon ng panganib sa kalusugan.
Sa mga endurance events tulad ng mga marathon, tennis at iba pang sports na ginaganap sa labas, nakikitaan ng matinding epekto sa kalusugan at performance ng mga manlalaro.
Mula nang magsimula ang Olympics noong Hulyo 23, matinding init ang nararanasan sa kabisera, na halos nasa 34 C at mas mataas pa ang temperatura araw araw.
Sa buong bansa, may 8,122 katao ang dinala sa ospital sa pagitan ng Hulyo 19 at Hulyo 25 dahil sa mga insidenteng nauugnay sa init, halos doble sa bilang ng mga kaso na iniulat noong nakaraang linggo, ayon sa Fire and Disaster Management Agency.
Bilang bahagi ng heat countermeasure, naghanda ang mga organizers ng bottled water upang mapanatiling hydrated ng mga atleta, na may mga water mist na naka-install sa ilang mga kumpetisyon. Sinabi din nila na ang silid ng mga atleta ay naka-aircondition.
Join the Conversation