Lalaki arestado nang 1 at takasan ang lalaking naka-scooter

Inaresto ng pulisya sa Kawaguchi, Saitama Prefecture ang 23-taong-gulang na lalaki na kasong attempted murder matapos niyang banggain ang isang rider na naka moped motorbike #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

SAITAMA

Inaresto ng pulisya sa Kawaguchi, Saitama Prefecture ang 23-taong-gulang na lalaki na kasong attempted murder matapos niyang banggain ang isang rider na naka moped motorbike

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap dakong 1:15 ng umaga noong Hulyo 31, iniulat ng Fuji TV. Sinabi ng pulisya na si Tomoya Kamijo, isang empleyado ng kumpanya, ay nabangga ang 57-taong-gulang na moped rider na nakaparada sa gilid ng kalye nang maganap ang insidente. Ang kasamahan ng biktima ay tumawag sa 110.

Matapos mabangga ay tumakas siya sa lugar ng pinangyarihan ngunit bumalik din siya matapos ang ilang saglit at siya ay naaresto. Sinabi ng pulisya na bahagyang tinanggihan niya ang paratang sa kanya at ayon sa kanya “napansin ko ang moped bike sa harapan ko ngunit wala namang tao roon nung nabangga ko.”

Nagtamo ng menor na sugat ang biktima, sinabi ng pulisya, na idinagdag na iniimbestigahan nila kung mayroong anumang kaguluhan sa pagitan ng dalawang lalaki bago ang insidente.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund