Marami pang malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Japan

Binabalaan ng mga weather officials na mag-ingat ang lahat sa maaaring pag-guho  ng lupa at pag-babaha sa mga mababang lugar.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMarami pang malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Japan

Patuloy na umuulan sa malalaking bahagi ng mga lugas sa western and eastern Japan nuong Linggo sanhi ng seasonal font na bumabalot sa bansa.

Patuloy ang pag-buhos ng intermittent rain sa kahabaan ng Pacific coast nitong gabi ng Linggo.

Ang kauoang pag-buhos ng ulan mula pa nuong Miyerkules ay mahigit triple na sa average amount para sa buong buwan ng Agosto.

Isang landslide ang nangyari nuong Miyerkules na siyang tumanagay ng limang katao sa Lungsod  ng Okaya, Nagano Prefecture nitong umaga ng Linggo, Ang dalawa sa mga ito ay na-rescue at tatlo rito ay kalauna’y binawian ng buhay.

Inisyuhan ng alert ang mga Prepektura ng Saga, Fukuoka, Gifu, Shizuoka, Nagano, Yamanashi, Chiba and Fukushima.

Ang pag-ulan ay inaasahan na pumunta sa direksyon na patungong norte sa pagitan ng Lunes at Martes, na aasahan na mag-buhos pa na ulan sa western at easter Japan.

Sinabi ng mga weather official na mahigit 24 oras mula gabi ng Lunes, aabot ng mahigit 180 millimeters ng ulan ang mararanasan sa Kyushu.

Sa buong 24 oras nang Martes ng gabi, sa pagitan ng 100 hanggang 200 millimeters na ulan ang inaasahan sa Kyushu, samantalang 100 hanggang 150 millimeters naman sa Shikoku at Chugoku regions at sa pagitan ng 50 hanggang 100 millimeters sa Kinki, Tokai at Hokoku regions.

Ang pag-uulan ay maaaring umabot hanggang sa araw ng Biyernes.

Binabalaan ng mga weather officials na mag-ingat ang lahat sa maaaring pag-guho  ng lupa at pag-babaha sa mga mababang lugar.

 

Source and Image:  NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund