Lalaki arestado sa pagnanakaw ng 120 lapad sa isang babae na papunta sana ng host club

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 47-taong-gulang na lalaki sa pagnanakaw ng bag na naglalaman ng 120 lapad na cash mula sa isang 20-taong-gulang na babae na nakaskay sa elevetor ng patutunguhang host club noong Mayo. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki arestado sa pagnanakaw ng 120 lapad sa isang babae na papunta sana ng host club

TOKYO

Inaresto ng pulisya sa Tokyo ang isang 47-taong-gulang na lalaki sa pagnanakaw ng bag na naglalaman ng 120 lapad na cash mula sa isang 20-taong-gulang na babae na nakaskay sa elevetor ng patutunguhang host club noong Mayo.

Ayon sa pulisya, si Hideaki Takahashi, isang empleyado ng kumpanya mula sa Nagareyama, Chiba Prefecture, at ang babae ay ang tanging nakasakay sa elevator na nasa isang gusali sa Kabukicho red-light district ng Shinjuku, iniulat ng Sankei Shimbun. Paakyat na ang babae sa isang host club sa pangatlong palapag nang biglang tinakluban ni Takahashi – na nakatayo sa likuran niya ng isang paper bag ang kanyang ulo, sabay kuha ang kanyang bag at agarang lumabas ng elevator bago pa maka akyat ang elevator mula sa unang palapag.

Sinabi ng pulisya na ang babae ay hindi naman nasaktan.

Si Takahashi, na kinilala matapos ang isang pagtingin sa footage ng camera ng surveillance, ay inamin ang oaratang sakanya, sinabi niya sa pulisya target niya talaga ang mga customer na papunta sa host club dahil alam niya na may mga dala itong malaking cash.

Sinabi ng pulisya na si Takahashi ay tinanong din tungkol sa iba pang mga katulad na nakawan mula noong Nobyembre.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund