TOKYO
Tinitimbang ng Health Ministry ng Japan ang pagmi-mix and match ng magkaibang COVID-19 vaccine upang maka-tulong sa pag-papagaan ng supply concerns and accelerate ng innoculation program ng bansa, ani ng minister in-charge ng bakuna nuong Linggo.
Halos gawa ng Pfizer Inc. ang ginagamit ng Japan para sa bakuna sa COVID-19 o hindi naman kaya ay Moderna Inc. Ang pag-gamit ng AstraZeneca vaccine ay inaprubahan sa Japan nuong July para magamit sa mga taong nag-eedad ng 40 anyos pataas.
“Makaka-asa po kayo na uusad ang pag-babakuna kapag kami ay nabigyan ng approval” para sa mix dose approach sinabi ni Ministry of Health, Labor and Welfare na si Taro Kono sa isang programa sa telebisyon.
Nitong Huwebes, halos 43.5 porsyento ng populasyon ng bansa ay naka-tanggap na ng ikalawang bakuna.
Para naman sa pag-uusap ukol sa ikatlong vaccine shot na kasalukuyang ikinukunsidera ng administrasyon bilang sagot sa pagiging mabisa at pagbe-breakthrough ng mga kaso ng impeksyon sa mga nabakunahan nang mga tao. Sinabi ni Kono na ito ay maaaring simulan sa mga health care workers sa Oktubre at para sa mga taong nag-eedad ng 65 o pataas sa buwan ng Enero o Pebrero kapag inaprubahan.
“Nakapag-secure na kami ng sapat na bilang para sa booster rollout,” ani ni Kono.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation