2 COVID patient namatay sa kanilang bahay sa Chiba Pref., ang isa natagpuan 3 araw matapos mamatay

Isang pasyente ng COVID-19 na nasa edad 60 na nagpapagaling sa bahay ang natagpuang patay mga tatlong araw ang nakalipas, inihayag ng Kashiwa town noong Agosto 30. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp2 COVID patient namatay sa kanilang bahay sa Chiba Pref., ang isa natagpuan 3 araw matapos mamatay

KASHIWA, Chiba –

Isang pasyente ng COVID-19 na nasa edad 60 na nagpapagaling sa bahay ang natagpuang patay mga tatlong araw ang nakalipas, inihayag ng Kashiwa town noong Agosto 30.

Ayon sa lungsod sa silangan ng Tokyo, ang babae ay unang na-diagnose na may banayad na sintomas sa isang lokal na institusyong medikal noong Agosto 10 at nanatili sa bahay kasama ang kanyang asawa, na nasa 60’s. Gayunpaman, dinala sa ospital ang kanyang asawang lalaki matapos na matagpuan ng isang napadaan sa lugar na nakahandusay ito sa labas ng kanyang bahay noong Agosto 14, at noong horas na iyon ang asawang babae ay maayos nsman ang kalagayan.

Sinubukan ng local city public health center na makipag-ugnayan sa babae noong Agosto 11, 12, at 14, ngunit walang itong tugon. Noong Agosto 17, nakipag-ugnayan ang employer ng kanyang asawa sa sentro ng kalusugan sa publiko na sinasabing hindi nila ito ma contact mula pa noong Agosto 13, at nang bumisita ang mga opisyal ng sentro ng kalusugan at ang Kashiwa Police Station sa kanilang bahay sa araw na iyon, ang babae ay natagpuang patay sa loob.

Ayon sa Kashiwa Police Station, ang oras ng pagkamatay ay tinatayang nasa paligid ng Agosto 14. Ang dahilan ng pagkamatay ay hindi pa alam.

Sa magkakahiwalay na kaso, inihayag ng Chiba Prefecture noong Agosto 30 na ang isang lalaki na nasa 20 na nahawahan ng coronavirus ay namatay noong Agosto 18 habang nagpapagaling sa bahay. Ang lalaki ay nagpositibo noong Agosto 16.

(Orihinal na Japanese ni Toshiaki Hashimoto, Kashiwa Local Bureau, at Mizuki Tomi, Chiba Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund