Isang Paralympian mula sa Georgia ang inaresto, matapos mangyari ang isang pag-asulto sa isang hotel

Inaasahang maalis sa koponan ng bansa para sa Paralympics si Gogotchuri at inaasahang umuwi na sa kanilang bansa, ayon sa official organizing committee ng Palaro.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang Paralympian mula sa Georgia ang inaresto, matapos mangyari ang isang pag-asulto sa isang hotel

TOKYO (Kyodo) — isang top Paralympic athlete mula sa Georgia ang inaresto nuong Lunes dahil sa pang-aasulto umano sa isang security guard sa Tokyo Hotel nuong nakaraang linggo, ipinahyag ng pulis nuong Lunes. Ang inarestong lalaki ay nagngangalang Zviad Gogotchuri, na nanalo ng gold medal sa men’s Judo 90 kilogram division sa 2016 Rio de Janeiro Paralympics, ayon sa pulis.

Ang 34 anyos na Judoka ay naka-set na makipag-laban sa palarong 100-kg division ng Paralympics sa darating na palaro sa susunod na linggo. Inaakusahan siya sa pagka-bali ng rin ng isang security guard na nag-eedad ng mga 60’s bandang alas-8:20 ng umaga nuong Huwebes nang ito ay tinalunan niya at sinunggaban ang leeg ng biktima.

Ang insidente ay nangyari matapos sitahin ng ibang security guard si Gogotchuri at iba pang Georgian athletes tungkol sa ingay na kanilang ginagawa habang nag-iinuman sa pasilyo ng ika-anim na palapag ng hotel, ani ng mga pulis.

Si Gogotchuri ay nagku-quarantine sa hotel matapos ang isang miyembro ng kanilang team ay nag-positibo sa COVID-19, ayon sa mga pulis.

Umamin naman ang Judoka sa kanyang ginawa ay ito ay nag-sabi na “wala akong maibibigay na paliwanag sa aking nagawang aksyon.”

Nagsa-gawa ng imbestigasyon ang Tokyo Police matapos mag-file ng complaint ang guard laban sa atleta nuong Sabado.

Inaasahang maalis sa koponan ng bansa para sa Paralympics si Gogotchuri at inaasahang umuwi na sa kanilang bansa, ayon sa official organizing committee ng Palaro. Nuong Olympics, dalawang lalaking Judoka mula sa Georgia ay inalisan rin ng accreditation dahil sa pag-lisan sa athletes village upang mamasyal at ito ay isang pag-laag sa COVID-19 protocols.

Ang Paralympics na mayroong mahigit 4,400 na atleta mula sa buong mundo ay naka-takdang mag-simula sa ika-24 ng Agosto. Tulad nang nangyari sa Olympics, na siyang nag-tapos nitong buwan lamang, ang Paralympics ay gaganapin rin sa loob ng mga pasilidad sanhi ng pandemiyang dala ng Coronavirus.

“Naka-lulungkot na nagawa ito ng isang Paralympian,” ani ni Toshiro Muto, CEO ng organizing committee ng Olympics and Paralympics ani nito sa isang press conference, na isina-gawa matapos ang isang pag-pupulong sa pag-dedesisyon ukol sa spectator policy.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund