TOKYO
Isang reklamong kriminal ang naihain ng pulisya sa Tokyo laban sa isang atleta ng Paralympic mula sa Georgia na inakusahan dahil sa pananakit sa isang security guard ng hotel.
Ayon sa pulisya at hotel, ang Paralympian, na isang judoka, at maraming mga kasamahan sa kanyang team, ay nag-iingay sa hallway ng hotel malapit sa Haneda Airport ng madaling araw ng Aug 12, iniulat ng Fuji TV. Ang team ay na-quarantine sa hotel matapos na ang isang miyembro ng kanilang team ay nagpositibo sa coronavirus. Nang sinubukan ng guwardiya, na nasa kanyang 60’s, na sitahin sila upang tumahimik at bumalik sa kanilang mga silid, itinulak siya ng judoka at natumba siya sasahig. Ang guwardiya ay nagtamo ng bali sa kanyang ribs.
Kinukwestyon ng pulisya ang judoka na umamin na siya at ang kanyang mga kasamahan ay naka inom ng alak. Sinabi ng tagapagsalita ng organizing committee ng Paralympics na ang Judoka ay maaring mapa-uwi.
Ang Paralympics ay naka-iskedyul na magsimula sa Agosto 24.
© Japan Today
Join the Conversation