Antibody cocktail treatments, ibibigay sa buong bansa

Sinabi rin ng kumpanya na maaari rin magkaroon ng mga hindi pa napag-aalamang side-effect, dahil napaka-limited lamang ng kanilang clinical data.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAntibody cocktail treatments, ibibigay sa buong bansa

Pina-plano ng pamahalaan ng Japan na gumawa ng tina-tawag na “antibody cocktail treatment” na ma-access sa buong bansa para sa mga pasyente ng COVID-19 na walang malubhang sintomas.

Ang treatment na ito ay in-authorize nang Japan nuong nakaraang buwan. Ang pasyente ay tumatanggap ng 2 klase ng gamot direkta sa pamamagitan ng IV drip upang ma-suppress ang virus.

Plano ng pamahalaan na ipa-bilis ang pag-bibigay ng gamot sa mga ospital sa mga prepektura kung saan mayroong coronavirus state of emergency.

Ito ay tinatarget ang mga pasyenteng na-ospital. Ngunit nitong kalagitnaan ng Agosto, pinayagan na nila ang mga pasyenteng nag-a-isolate sa mga hotel at pansamantalang medical facilities na maka-tanggap ng pag-gagamot ngunit isinasa-alang alang ang mga ilang kondisyon, dahil nahihirapan silang maka-kuha ng bakanteng higaan sa mga ospital.

Ang mga pasyente na nagpapa-galing sa mga hotel sa Tokyo at Fukuoka ay tumatanggap na nang nasabing gamot.

May ilang doktor na nag-sabi na ang nasabing gamot ay dapat ibigay rin sa mga pasyenteng nasa kani-kanilang tahanan.

Ngunit nagiging maingat ang pamahalaan ukol sa ganitong request dahil sa mga nai-talang malubhang reaksyon sa ibang bansa.

Ang US pharmaceutical company na nag-develope ng nasabing treatment ay nag-pahayag na ang mga posibleng reaksyon na mararamdaman ay pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng ulo at pagkakaroon ng hirap sa pag-hinga.

Sinabi rin ng kumpanya na maaari rin magkaroon ng mga hindi pa napag-aalamang side-effect, dahil napaka-limited lamang ng kanilang clinical data.

Sinabi ng health ministry na dapat i-monitor ng mga medical workers ang mga pasyenteng tumatanggap ng gamot na ito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund