Mahigit 4,000 na pagkain na inihanda para sa mga staff nuong Biyernes para sa Tokyo Olympics opening ceremony ang hindi nakain.
Sinabi ng Tokyo Organizing Committee ng Olympic and Paralympic Games sa mga reporter nuong Miyerkules na aabot ng 40 porsyento sa 10,000 meals para sa event sa National Stadium ang hindi nakain.
Sinabi rin nito na sa ibang Games venues ay may parehong nangyaring sitwasyon, at aabot ng 20 hanggang 30 porsyento ng mga inorder na pagkain nuong nakaraang linggo ay nananatiling hindi nakonsumo.
Ipinahayag ng Committee na ang surplus ay nag-resulta mula sa maraming factors, kabilang na ang overestimating demand at ang mga staff at ibang tauhan ay sobrang abala para makakain.
Sinabi nila na ang mga natirang pagkain ay inirecycle bilang feed at source ng biogas.
Humingi ng paumanhin ang tagapag-salita ng committee na si Takaya Masanori at nag-sabi na ang mga opisyal ay gumagawa ng paraan upang maka-order ng pagkain nang mas maayos at inaasahan niya na bumuti ang sitwasyon.
Ang committee ay gumawa ng operational plan na nag-lalayon sa sustainability kabilang ang pag-babawas ng mga nasasayang na pagkain.
Ang journalist na si Sakita Yuko na nag-sisilbi na pinuno ng working group ang siyang gumawa ng plano. Sinabi niya na ito ay ginawa makalipas ang limang taon ng pakikipag-usap sa committee, at ikinalulungkot niya ang malaking pagka-sayang ng mga pagkain.
Sinabi ni Sakita na ang desisyon sa pag-ban sa mga spectators sa Palaro ay minadali karagdagan pa sa marami pang ibang pag-babago. Ngunit sinabi nito na dapat agad nang nakipag-usap ang committee sa mga food sellers matapos mapag-alaman ang nagpag-desisyunan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation