Ipinahayag ng Tokyo Olympic organizing committee na dalawa sa mga atleta ay nag-positibo nang sinuri para sa coronavirus nuong Sabado at isang staff ay inanunsiyo na nag-positibo rin sa pag-susuri nuong Sabado ay napapa-bilang sa iisang koponan.
Ang dalawa ay naunang nag-positibo sa pag-susuri sa mga atleta na kasalukuyang nananatili sa Athlete’s Village.
Ang pag-anunsiyo ay isina-gawa sa isang news conference sa main press center para sa mga hakbang na dapat gawin bilang pag-iingat sa virus infection at epekto ng mainit na panahon.
Sinabi ng committee na ang tatlo ay kasalukuyang naka-isolate sa isang hotel sa labas ng village. Ang ibang mga miyembro ng koponan ay nananatili sa loob ng kanilang mga sariling kwarto at duon rin sila kumakain.
Ang chief ng main operation center ng committee na si Nakamura Hidemasa ay nag-sabi na pinaka-importante ay i-minimize ang risk at agad na gumawa ng aksyon.
Idinagdag rin nito na ang impeksyon ay under control na sa kasalukuyan at ang operation center ay gagawa ng ligtas na Athlete’s Village sa pamamagitan ng pag-susuri at mabilis na i-isolate ang mga nag-positibo sa pag-susuri.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation