Higanteng puppet mula sa Tohoku, dumating na sa Tokyo

Ang isang mensahe ay nag-lalaman nang tungkol sa pag-asang dala ng mga tao sa mundo at sa pag-hihirap ng mga tao sa mga disaster hit-area.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHiganteng puppet mula sa Tohoku, dumating na sa Tokyo

Isang higanteng puppet na tinawag na Mocco ang dumating sa Tokyo na nag-hahatid nang mensahe mula sa Tohoku region sa northeastern Japan.

Ang puppet na may laki na 10 metro kataas ay dumalaw na sa mga prepektura ng Iwate, Miyagi at Fukushima. Ang mga nabanggit na lugar ay ang mga lugar kung saan na tinamaan ng husto nuong nagkaroon ng Lindol at Tsunami nuong 2011.

Kinulekta ni Mocco ang mga mensahe mula sa lugar nang nasalanta na siyang binasa nuong Sabado sa isang event na isina-gawa sa Shinjuku Gyoen National Garden sa Tokyo. Ipinag-bawal ang pag-punta ng mga tao sa nasabing event.

Ang isang mensahe ay nag-lalaman nang tungkol sa pag-asang dala ng mga tao sa mundo at sa pag-hihirap ng mga tao sa mga disaster hit-area.

Sumayaw sa isang musika si Mocco base sa mensahe na siya namang kinanta ng isang popular na singer.

Ang Creative Director na si Yanai Michihiko na nag-mula sa Fukushima Prefecture ang siyang naka-isip ng ideya ng higanteng puppet mula sa Tohoku.

Sinabi nito na hangad niya na ang nasabing proyekto ay maging elemento at maipa-kita sa Tokyo Olympics and Paralympics na ang Japan ay naka-aahon na mula sa disaster na hinarap nito nuong taong 2011. Idinagdag niya rin na ang isina-gawang event ay tumutulong sa pag-hahatid ng mga nararamdaman ng mga tao mula sa Tohoku at mai-parating ang kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund