School volleyball coach arestado sa pananakit ng estudyante

Inaresto ng pulisya sa Yatsushiro, Kumamoto Prefecture ang isang 47-taong-gulang na coach ng volleyball club sa junior high school dahil sa hinalang sinaktan niya ang isang mag-aaral na miyembro ng volleyball team. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSchool volleyball coach arestado sa pananakit ng estudyante

KUMAMOTO

Inaresto ng pulisya sa Yatsushiro, Kumamoto Prefecture ang isang 47-taong-gulang na coach ng volleyball club sa junior high school dahil sa hinalang sinaktan niya ang isang mag-aaral na miyembro ng volleyball team.

Ayon sa pulisya, si Hideaki Miyata, isang empleyado ng kumpanya na coach ng volleyball team ng paaralan, ay sinuntok sa mukha at ulo ang estudyante nang maraming beses sa isang sesyon ng pagsasanay sa gym ng paaralan bandang 10 ng umaga noong Hulyo 24, iniulat ng Kyodo News.

Umuwi ang bata at dinala sa ospital upang magamot ang kanyang natamong sugat at bugbog. Kinabukasan, iniulat niya at ng kanyang ama ang insidente sa pulisya.

Sinabi ng pulisya na inamin ni Miyata na sinaktan niya nga ang bata.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund