KANAGAWA- Ang babaeng British National, 28, na naninirahan sa Lungsod ng Yokohama na naiulat na nawawala nitong unang bahagi nitong buwan ay natagpuang patay , ayon sa kapulisan sa England.
Si Alice Hodgkinson, ay naiulat na nawawala matapos siyang hindi makapasok sa kanyang trabaho sa isang English School sa Tokyo, noong Hulyo 1.
Ipinahayag ng Nottinghamshire Police noong Biyernes sa Facebook, na ang mga labi ni Hodgkinson ay natagpuan noong Hulyo 7. At pinaniniwalaang walang foul play na naganap.
Ayon pa sa ulat ng U.K. Press, na nakausap pa ni Hodgkinson ang kanyang ama isang araw bago ito nawala.
Nang mapasok ng mga awtoridad ang kanyang tahanan sa Aoba, Lungsod ng Yokohama isang sulat ang kanilang nakita. Gayunpaman, hindi inilahad ng ng mga imbestigador ang nilalaman ng liham.
Sa isang joint statement ng pamilya, ” Si Alice ay isang matalino, adventurous, confident at maalalahaning dalaga na may di matatwarang sense of humor at ng mabalitaan namin ang kanyang pagkamatay ay sadyang napakalaking dagok sa aming pamilya. Hindi ito ang aming inaasahang outcome. Labis namin mami-miss, hinihiling ng aming pamilya ang kapayapaan sa mga oras ng aming pagdadalamhati upang aming mapagtanto ang nakakalungkot na pangyayari. Nais din namin pasalamatan ang lahat ng tao sa UK at Japan na nagmalasakit at walang sawang tumulong upang maipagbigay alam ang pagkawala ni Alice. Ang suporta na kanilang ipinamalas sa mga oras na ito ay lubhang nakakagaan ng loob. Taos puso kaming nagpapasalamat sa inyong lahat.”
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation