
NARA- Ang Nara Prefectural Police ay iniharap sa prosekyusyon ang isang lalaki,78, na kamakailang bumangga sa isang sasakyan kung saan namatay ang 35 taong gulang na driver nito sa isang expressway dahil sa wrong way na pagmamaneho nito noong Enero.
Ang aksidente ay naganap dakong 12:40 ng umaga noong Enero 6 sa Nishi-Meihan Expressway sa Yamatokoriyama, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang nakatatandang drayber, na mula sa Ikaruga sa Prepektura ng Nara ay nahaharap sa kasong Dangerous Driving resulting in Death.
Ayon sa mga “prosecutor’s papers”, ang lalaki ay nag-cross over sa oncoming lane nang bumangga siya sa isa pang kotse. Nabangga niya ang sasakyang minamaneho ni Kazunari Okita, isang empleyado ng kumpanya mula sa Yao sa Prepektura ng Osaka. Dinala si Okita sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay. Ang 78 taong gulang na lalaki ay nagtamo ng mga pinsala sa ulo.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation