NAGOYA
Ang Nagoya ay ang pang-apat na pinakamalaking lungsod ng Japan, na may populasyon na higit sa 2.3 milyong katao, ang pinaka malaking station ay ang Nagoya Station, ang pangunahing riles ng lungsod, na mayroong maraming mga tao sa anumang oras.
Bahagyang makalipas ang ika-11 ng umaga, isang lalaking naka-maong, itim na T-shirt, at naka sumbrero ang nakitang naglalakad sa loob ng Nagoya station na may hawak na 18-sentimeter na kutsilyo.
Kung titignan, para lang siyang normal na nagalakad na walang pakay at hindi nagmadali, ngunit ang paraan ng paghawak niya ng kutsilyo ay nakaturo sa harap niya na obvious na balak niya itong gamitin sa mga taong makakasalubong niya.
Sa kabutihang palad, mabilis na rumisponde ang dalawang opisyal ng pulisya upang harapin ang suspect.
Ang lalaking police officer ay gamit ang isang baton, inilagay ang lalaki sa isang headlock gamit ang isang braso, at pinapabitaw ang kamay na may hawak na kutsilyo.
Ang mabilis na interbensyon ng mga opisyal ay naka igtas ng maraming tao sa kapahamakan, nakunan ng video ang pangyayari at na post sa social media na agad naman napuno ng pasasalamat galing sa mga netizens sa kanilang tapang at serbisyo.
Join the Conversation