Ipinahayag ng Tokyo Olympics organizing committee na ang mga atletang nag-positibo sa coronavirus ay maaari pa rin na makilahok sa palaro kung makakamit nila ang ilang kondisyon.
Ito ay napag-desisyonan ng committee nuong Lunes.
Sinabi nila na ang mga atletang nagkaroon ng impeksyon ay maaaring makapag-laro kung sila ay hindi nagpapa-kita ng sintomas at nakumpleto nila ang 10 araw na isolation, o kung natapos nila ang 6 na araw na isolation at nag-resulta ng negatibo ang pag-susuring dalawang beses na isasa-gawa sa loob ng 24 oras.
Inanunsiyo kamakailan ng committee na dalawang South African soccer player ang nag-positibo sa coronavirus nuong ika-18 Hulyo at napag-alaman rin na 18 katao ang nagkaroon ng close contact sa mga ito.
Ang dalawang manlalaro ay hindi dumalo sa unang round match ng South Africa laban sa Japan nuong Huwebes. Ngunit dumalo at nakapag-laro sa match laban sa France nuong Linggo.
Ang organizing committee ay nag-sabi nuong Lunes na 16 na atleta ang nag-positibo sa coronavirus. Kabilang rito ang mga Taekwondo at Beach Volleyball events, na siyang naalis sa Palaro.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation