Katawan ng nawawalang nurse, natagpuan sa kabundukan ng Nara

Ini-report ng kanyang kapatid na ito ay nawawala sa Koriyama Police Station nuong July 15. Agad naman na nagsa-gawa ng paghahanap ang mga pulis sa biktima kinabukasan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

NARA (TR) –nag-sasagawa ng murder case ang Nara Prefectural Police matapos matagpuan ang katawan ng nawawalang nurse sa bundok sa Lungsod ng Nara nuong nakaraang linggo, mula sa ulat ng Yomiuri Shimbun (July 26).

Bandang alas-12:30 ng hapon nuong July 23, natagpuan ng mga awtoridad ang isang katawan na naka-tihaya sa isang mapunong banda sa Nakamachi area.

Ginamit ng mga pulis ang resulta ng DNA analysis na isina-gawa sa labi upang makumpirma ang pagkaka-kilanlan ng biktima na si Junko Sasaoka, 56 anyos.

Ang kalahati ng labi ay buto na, ito ay naka-damit ng isang coat at pantalon. Hindi sinabi ng mga pulis kung nagtamo ng panlabas na sugat o pinsala ang biktima.

&nbspKatawan ng nawawalang nurse, natagpuan sa kabundukan ng Nara
Labi ng nawawalang nurse natagpuan sa bundok sa Nara. (Twitter)

Si Sasaoka ay naninirahan sa Yamatokoriyama City, mahigit 5 kilometro ang layo sa lugar kung saan natagpuan ang kanyang labi. Nuong July 8 at 9, siya ay bumyahe patungo sa isang special home para sa matatanda sa Prepektura ng Osaka.

Ini-report ng kanyang kapatid na ito ay nawawala sa Koriyama Police Station nuong July 15. Agad naman na nagsa-gawa ng paghahanap ang mga pulis sa biktima kinabukasan.

Ini-imbestigahan sa kasalukuyan ng mga pulis ang mga security camera footage upang mag-hanap ng mga clue ukol sa kaso.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund