Lawson convenience store, sumubok na gumamit ng mga kutsarang gawa sa kahoy

Ang Seven-Eleven ay sinusubukan ang isang system sa ilang mga tindahan na mag-bigay ng mga points sa mga kostumer na tumatanggi sa disposable forks at spoons.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLawson convenience store, sumubok na gumamit ng mga kutsarang gawa sa kahoy

Planong mag-alok ng mga kahoy na kutsara sa mga kostumer ang Japanese major convenience store na Lawson kapalit ng single-use na plastic na kasalukuyang gina-gamit. Ito ay parte ng hangarin sa pag-alis ng mga plastic waste.

Ayon sa Lawson sila ay mag-bibigay ng mga kutsara sa isang trial basis sa walong branches nito sa Tokyo sa mga mamimili na bumibili ng “bento box”, pagkain o pang-himagas.

Ayon sa kumpanya, ang mga kutsara ay nagkaka-halaga na triple kumpara sa plastic na kutsara. Ang pag-papalit  ay pagdedesisyonan base sa kung paano tutugon ang mga kostumer ukol dito.

Ayon sa pahayag ng isang Lawson official, nais makita ng kumpanya ang pag-bago ng mindset ng mga kostumer na siyang mga gumagamit ng disposable spoons.

Isang batas ang ipinag-tibay nuong nakaraang buwan upang hikayatin ang lahat sa pagbawas ng basura at plastic recycling. Ito ay inu-obliga ang mga negosyo na bawasan ang kanilang plastic na produkto.

Ang ibang major Japanese convenience store chain ay nagsasa-gawa na rin ng similar na hakbang upang mabawasan ang pag-gamit ng plastic.

Ang Seven-Eleven ay sinusubukan ang isang system sa ilang mga tindahan na mag-bigay ng mga points sa mga kostumer na tumatanggi sa disposable forks at spoons.

Habang ang FamilyMart ay nag-introduce ng mga kutsara na may less plastic content.⅕

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund