INAALAM NG IBARAKI POLICE ANG MOTIBO NG PAGTANGKA NG ISANG BABAE NA PATAYIN ANG OLYMPIC FLAME

Kasalukuyang inaalam ng kapulisan ang motibo ng babae, nagpatuloy ang relay sa prepektura nitong Lunes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspINAALAM NG IBARAKI POLICE ANG MOTIBO NG PAGTANGKA NG ISANG BABAE NA PATAYIN ANG OLYMPIC FLAME
Kayoko Takahashi (Twitter)

IBARAKI- Nakatakdang magsimula ang Tokyo Olympic Games ngayong buwan habang patuloy na nakikipaglaban ang gobyerno sa pandemyang dala ng coronavirus.

Sa kabila nito, hindi pa rin sigurado ang Ibaraki Prefectural Police sa motibo ng isang 53 taong gulang na babae na nagproprotesta laban sa proceedings nitong pagtatapos ng linggo, ulat ng Fuji News Network (Hulyo 6).

Si Kayoko Takahashi, walang trabaho, ay sinubukang patayin ang Olympic Flame na dala ng isang 73 taong gulang na lalaking runner gamit ang isang squirt gun noong Linggo sa torch relay sa Lungsod ng Mito.

” Nais kong mapatay ang apoy” sabi ni Takahashi nang ito’y maaresto sa salang Disruption of Business , ” Tutol ako sa Palaro”.

Sa footage na nai-post sa social media, ipinakita si Takahashi gamit ang squirt gun habang dumadaan ang prusisyon. Habang papalapit ang runner, sinimulan niya ang pagpapaputok ng squirt gun, ngunit ang apoy ay hindi naapula.

Napagpasyahan kalaunan ng pulisya na dahil ang likido ay hindi naglalaman mabahong amoy ito ay malamang na tubig lamang.

Gayunpaman, kasalukuyang inaalam ng kapulisan ang motibo ng babae, nagpatuloy ang relay sa prepektura nitong Lunes.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund