HOKKAIDO- Isang matandang lalaki na naninirahan sa sa Bayan ng Keshikaga ay nabakunahan ng apat na beses ng Covid-19 Vaccine, pahayag ng Town Government, ayon sa ulat ng HTB News (Hulyo 8).
Ayon sa isang opisyal, ang matandang lalaki, 80, ay nagmula sa Keshikaga, ay nakakuha ng 2 shot vaccine habang naninilbihan bilang Health Care Worker sa labas ng bayan noong Abril at Mayo.
At noong kalagitnaang bahagi ng Hunyo at unang bahagi ng buwan na ito ay muling nagpabakuna ng 2 dose vaccine sa Keshikaga Vaccinations.
Kalimitan kinakailangan ng dalawang shots ng Covid-19 Vaccine. Sa ngayon, ang matandang lalaki ay hindi kinakakitaan ng kahit anong health-related na problema, ayon sa mga opisyal.
“MAS MARAMING ANTIBODIES!”
Bago matanggap ang pangalawang set ng bakuna sa Keshikaga, hindi inilahad ng matanda ang kanyang naunang vaccination. ” Akala ko mas magigng epektibo ang multiple shots para sa maramimg antibodies.”, ani nito.
Nasilip ang bagay na ito nang magsagawa ng pagsusuri ng Inoculation Costs ang National Health Insurance Federation para sa mga kalalkihan ng bayan para sa buwan ng Abril.
“Upang maiwasang maulit ang pangyayari na ito, nais naming pakinggan maige ang vaccination history bago ang preliminary examinations,” dagdag pa ng isang Town Official.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation