9 KUMPIRMADONG PATAY, 19 ANG HINDI PA NAKIKITA SA ATAMI MUDSLIDES

Kinumpirma ng mga awtoridad ang 9 na katao na namatay sa sakuna, walo sa kanila ang na-identify sa ngayon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp9 KUMPIRMADONG PATAY, 19 ANG HINDI PA NAKIKITA SA ATAMI MUDSLIDES

Patuloy pa din ang paghahanap ng mga rescuers sa debris na nagmula sa mudslides sa Lungsod ng Atami, Prepektura ng Shizuoka , isang linggo na ang nakalipas, na sumira sa mga bahay at pagtangay sa mga residente sa kanilang kamatayan.

Kinumpirma ng mga awtoridad ang 9 na katao na namatay sa sakuna, walo sa kanila ang na-identify sa ngayon.

Humigit-kumulang 1,700 na police officers, bumbero at mga tauhan ng Self-Defense Forces ang patuloy sa paghahanap sa 19 iba pang nananatiling “unaccounted for” noong Sabado.

Ang rumaragasang putik dumaloy pababa ng isang slope dakong 10:30 ng umaga noong Sabado ng nakaraang linggo, kung saan nasira at nawasak ang halos 130 mga tahanan sa Distrito ng Izusan.

Ang pinakamataas na alert level sa scale ng 1 hanggang 5 ay nananatiling in effect habang may panaka-nakang maliliit na mudslides ang nagpapatuloy sa upstream area kungsaan pinaniniwalaang nagmumula ang mga fatal mudslides.

Halos 570 katao, kabilang ang mga nawalan ng bahay, ay kasalukuyang nanunuluyan sa dalawang hotel sa lungsod.

Plano ng lungsod na patuloy na subaybayan ang sitwasyon hanggang Lunes at Martes upang matukoy kung maari ang pansamantalang makauwi ang mga tao upang makakuha ng kanilang pangangailangan.

Ang Prefectural Government ay mag-iissue ng Disaster Victim Certificates at mag-secure ng Public Housing.
Humigit-kumulang 420 na sambahayan ang nanatiling walang tubig, at naka-focus sa pag-rebuilt ng kabuhayan ng mga naging biktima ng malagim na sakuna.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund