TOKYO (Kyodo) – Sisimulan ng Japan ang pagtanggap ng mga application para sa tinaguriang mga vaccination passport mula Hulyo 26 para sa mga tao na kompleto na ang inoculation laban sa COVID-19 na nais maglakbay sa ibang bansa, sinabi ng spokesperson ng gobyerno noong Linggo.
Isasaalang-alang din ng gobyerno kung gagamitin ang naturang mga sertipiko para sa mga pang-ekonomiyang aktibidad bilang tugon sa isang kahilingan na gawin ito ng mga lupon ng negosyo, sinabi ni Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato sa isang programa sa NHK TV.
Ang mga sertipiko ng pagbabakuna ay magiging opisyal na talaang inilabas ng mga munisipalidad na magpapatunay na ang isang tao ay kumpleto ng nabakunahan laban sa COVID-19, kasama ang impormasyon tulad ng pangalan, numero ng pasaporte at petsa ng pagbakuna.
Sinabi ni Kato noong nakaraang buwan ang mga sertipiko ay ilalabas sa pagtatapos ng Hulyo, una sa papel na form. Ang isang digital na format ay isasaalang-alang pa sa paglaon.
Join the Conversation