Tokyo hotel binatikos dahil sa ‘Japanese only’ na notice sa paggamit ng elevator

Ang isang hotel sa central Tokyo ay nag-paskel ng  "Japanese only" at "Foreigners only" sa harap ng mga elevator sa pagtatangka na sumunod sa mga panukala ng anti-coronavirus bago magsimula ang Olympics, ngunit tinanggal nila agad matapos sila mabatikos #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTokyo hotel binatikos dahil sa 'Japanese only' na notice sa paggamit ng elevator

TOKYO

Ang isang hotel sa central Tokyo ay nag-paskel ng  “Japanese only” at “Foreigners only” sa harap ng mga elevator sa pagtatangka na sumunod sa mga panukala ng anti-coronavirus bago magsimula ang Olympics, ngunit tinanggal nila agad matapos sila mabatikos, sinabi ng mga opisyal ng hotel noong Linggo.

Ang Akasaka Excel Hotel Tokyu “ay hindi sinasadyang” maka-descriminate ng mga dayuhan, ang layunin sana nila ay maipatupad ang mga protocols na nauugnay sa Covid preventive measures para sa Tokyo Olympic at Paralympic Games mula sa pangkalahatang mga audience na magiging guests nila, sinabi ng isa sa mga opisyal, na idinagdag, “Humihingi kami ng paumanhin sa lahat dahil sa misunderstanding na ito.”

Ang hotel sa Chiyoda Ward ay nakatanggap ng batikos sa mga keyboard warriors sa internet matapos mai-post ang mga abiso na hatiin ang paggamit ng apat na elevator sa dalawang unit para sa Japanese at dalawa para sa mga dayuhan.

Ang panukala ay batay sa mga patnubay na ibinigay ng organisasyong komite ng Olimpiko at Paralympics upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, sinabi ng mga opisyal.

Ang ilang mga guest nila sa hotel na Japanese ay nagtaka din at tinanong ang hotel kung ipinagbabawalan din ba silang gamitin ang mga elevator na minarkahan na “for Foreigners only,” anila.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund