Japan, mag-bibigay ng 11 milyong vaccine doses sa 15 nasyon

Ayon pa kay Motegi ay sisimulan na raw ng pamahalaan ang programa na pag-bibigay ng bakuna sa mga Japanese nationals na naninirahan sa abroad na planong pansamantalang bumalik sa bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, mag-bibigay ng 11 milyong vaccine doses sa 15 nasyon

Ang Japan Foreign Ministry na si Motegi Toshimitsu ay nag-sabi na ang bansa ay mag-bibigay ng mahigit 11 milyong coronavirus vaccine doses para sa 15 bansa.

Ang bakuna na idinevelope ng AstraZeneca na isina-gawa ng Japan ay isu-supply sa pamamagitan ng COVAX Facility, ang internasyonal na framework ng nagdi-distribute ng bakuna.

Sinabi ni Motegi sa mga reporter nuong Martes na aabot sa 11 milyong doses ang ita-transport sa mga bansa sa oras na ang mga preperasyon ay nai-handa na.

Ang mga bansa na maka-tatanggap ay ang Cambodia, East Timor, Laos, Maldives, Bangladesh, Nepal, Sri Lanka, Fiji, Kiribati, Papua New Guinea, Samoa, the Solomon Islanda, Tonga, Vanuatu at Iran.

Idinagdag rin ni Motegi na ang Japan ay mag-bibigay sa Indonesia, Vietnam at Taiwan ng tig-isang milyong adisyonal na doses ngayong Huwebes.

Sinabi rin nito na ang Japan ay nag-bigay ng AstraZeneca vaccine na isina-gawa sa bansa sa Taiwan at lima pang ASEAN countries.

Ayon pa kay Motegi ay sisimulan na raw ng pamahalaan ang programa na pag-bibigay ng bakuna sa mga Japanese nationals na naninirahan sa abroad na planong pansamantalang bumalik sa bansa.

Mag-sisimula ang nasabing programa mula ika-1 ng Agosto hanggang sa unang bahagi ng Enero. Mag-sisimula sa susunod na Lunes ang mga online reservation.

Idinagdag rin nito na ang reservation ay maaaring gawin two months in advance at ang foreign ministry ay mag-iissue ng vaccine certificates sa mga nais mag-apply nito. Ang mga detalye ay ilalathala sa website ng ministry.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund