Ipinahayag ng organizing committee ng Tokyo Games nitong Huwebes na isang dayuhang atleta na nasa Japan para sa Olympics ang nag-positibo ng coronavirus.
Sinabi ng committee na ang nasabing atleta ay nag-positibo sa impeksyon nitong Miyerkules. Ang atleta ay nasa 14-day period ng self-isolation at hindi pa naka-papasok sa Athlete’s Village.
Hindi na nag-release ang committee ng iba pang detalye.
Ito ang unang pagkaka-taon na ang isang foreign athlete na nananatili o papunta sa isang pasilidad na mina-manage ng isang organizing committee ang natagpuan o napag-alaman na mayroong coronavirus.
Mayroong nang mga previous cases kung saan ang mga miyembro ng foreign teams na nag-positibo matapos dumating sa Japan para sa pre-Games training camps sa mga host towns.
Ang committee ay inanunsiyo rin na ang taong kaugnay sa Tokyo Games na hindi isang miyembro ng national team ang nag-positibo nuong Martes. Ito na ang ika-tatlong kumpirmadong impeksyon ngayong buwan ng isang non-team member na dumating sa Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation