FUKUOKA
Isang limang taong gulang na batang lalaki ang namatay noong Huwebes matapos na maiwan sa isang bus ng paaralan nang maraming oras sa isang mainit na araw sa timog-kanlurang Japan prefecture ng Fukuoka, sinabi ng pulisya.
Si Toma Kurakake ay natagpuang walang malay sa isang school bus sa lungsod ng Nakama ng gabi at kalaunan ay binawian ng buhay sa isang ospital, tila dahil sa dehydration, sinabi ng pulisya.
Nang hindi bumaba ang bata sa bus stop tulad ng inaasahan, tumawag ang kanyang ina sa nursery school upang iulat na nawawala siya. Natagpuan siya ng mga staff ng paaralan na nasa loob ng isa pang bus na naka parking sa paradahan ng paaralan at ang bata ay wala ng malay.
Ang driver ng bus ay nag sabi sa pulisya na, “napansin niya ang pagsakay (ng bata), ngunit akala niya ay bumaba na ito sa bus,” habang inaamin din niya na hindi niya ito kinumpirma noong panahong iyon.
Ayon sa isang lokal na Meteorological Agency, ang temperatura ay lumagpas sa 33 C sa kalapit na Lungsod ng Kitakyushu alas-11 ng umaga.
Ikinalungkot ng lola ni Kurakake na 59-taong-gulang ang pagkawala ng apo, na inilarawan niya ito bilang isang “masayahin at matalinong bata.”
© KYODO
Join the Conversation