CHIBA (TR) – isang 25 anyos na babae ang inaresto matapos bawian ng buhay ang kanyang anak na babae dahil sa heatstroke sa Yachiyo City nuong nakaraang linggo, inilahad ng pulis sa Asahi Shimbun (July 23).
Sa pagitan ng alas-10:10 ng umaga hanggang alas-10:40 ng umaga nuong July 22, si Yurina Okoshi ay iniwan umano ang kanyang 1 taong gulang na anak na si Mion sa loob ng kanyang sasakyan habang ito ay naka-park sa isang parkibg lot.
“Hindi gumagalaw ang aking anak,” ani ni Okoshi sa emergency services.
Kalaunan ay kinumpirmang wala ng buhay si Mion sa isang ospital. Ang sanhi ng kanyang pag-panaw ay pinaniniwalaang heatstroke, ayon sa local fire department.
Sa kanyang pagkaka-aresto sa salang suspicion of neglect by a guardian, hindi nag-bigay nang anumang komento si Okoshi, ayon sa Yachiyo Police Station.
Kasamang naninirahan ni Okoshi si Mion at ang isa pa nitong 3 taong gulang na anak na babae. Ang suspek ay nagtatrabaho sa isang bar sa Tokyo.
Bago pa mangyari ang insidente, si Okoshi ay katatapos lamang sa trabaho. Sinundo niya ang mga bata mula sa bahay ng isang kakilala na naka-tira sa Yachiyo. Ang tatlo ay naka-tulog ng tatlong oras sa loob ng sasakyan.
Sa isang banda, dinala umano si Okoshi ang 3 taong bata sa loob upang palitan ng damit. Sa kanyang pag-balik, natagpuan na niya ng walang malay si Mion.
“Iniwan ko na bukas ang air condition,” ani ng suspek sa mga pulis.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation