Ipinihayag ng mga opisiyales ng Prepektura ng Shizuoka sa central Japan na dalawang katao ang natagpuan at parehong wala ng vital sign. Kasalukuyang patuloy ang isinasagawang rescue operation sa lugar kung saan 20 pa ang nananatiling ” unaccounted for”, matapos ang ilang serye ng mudslide na sumira at tumangay sa mga kabahayan sa lugar noong Sabado.
Ayon pa sa City Officials, ang dalawa ay natagpuan sa karagatan sa labas ng Lungsod ng Atami.
Nangyari ang sakuna dakong 10:30 ng umaga sa ilog ng distrito sa Lungsod ng Izusan kung saan dumaloy ang putik at umabot ng halos 1 kilometro papunta sa dagat.
Ang mga Bumbero, Pulis, at Self- Defense Forces ay pawang nakilahok upang tumulong sa search and rescue.
Sinalanta ng napakalakas na pag-ulan ang mga lugar sa Japan Pacific Coast mula umaga noong Sabado.
Nag-issue ang City Officials ng Evacuation Order para may 20,000 na pamilya para sa kanilang kaligtasan, matapos ang mudslide.
Isang residente ang nagkwento sa NHK na siya ay tumakbo sa isang mataas na lugar matapos niyang mamataan ang mga bahay at poste tangay ng rumaragasang putik.
Ayon naman sa City Officials ng Atami, kanilang napansin ang average na mga pag-ulan sa lugar at iniexpect ito sa buong buwan ng Hulyo.
Ayon sa Meteorological Agency Officials, ang malakas na pag-ulan
ay bungsod ng napapanahong tag-ulan. Ang mga Prepektura ng Shizuoka at Kanagawa ang malubhang nasalanta ng mudslide.
Nagbigay babala ang local na awtoridad hinggil sa posibilidad na maaring maulit ang trahedya ng mudslide, gayun din ang pamamaga ng mga ilog at pagbaha sa mababang lugar. Nakikiusap sila na antabayanan ng lahat ang pinakabagong update tungkol sa Evacuation Information.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation