Ibinaba na ng US State Department ang kanilang travel advisory sa Japan nang isang level, hinihikayat ang mga tao na mag-reconsider sa pagba-byahe sa Japan dahil sa COVID-19.
Nag-downgrade na ang state department nuong martes sa kanilang “Japan Travel Advisory” mula sa pinaka-mataas na “Do not travel” na level sa level 3 base sa kanilang four-tier scale.
Ang hakbang ay alinsunod sa latest update mula sa Centers for Disease Control and Prevention na siyang nag-baba ng kanilang COVID-19 level para sa Japan nuong Lunes mula sa pinaka-mataas na level 4 sa Level 3. Ang Level 4 ay nangangahulugan na “Pinaka-mataas” at ang Level 3 “Mataas”.
Nag-bigay babala naman ang CDC na ang mga tao ay dapat na kumpleto ang bakuna sa coronavirus bago bumyahe sa Japan, at ang mga hindi pa nababakunahan ay dapat na umiwas na bumyahe sa Japan kung hindi kinakailangan.
Ang CDC ang siyang sumusuri sa mga sitwasyon ng COVID-19 sa bawat bawat bansa base sa bilang ng pasyente at iba pang pigura na ini-uulat sa World Health Organization.
Nuong nakaraang buwan, sinunod ng state department ang pangunguna ng CDC na itaas ang kanilang travel advisory sa Japan sa Level 4, at hinihikayat ang mga Amerikano na huwag munang bumyahe sa nabanggit na bansa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation