Isang presidente ng auto firm natagpuang patay

Ayon sa mga pulis, si Nakane, 61 anyos ay nag-tamo ng ilang mga sugat sa nuo at iba pang parte ng kanyang ulo, ito ay maaaring natamo niya ng hampasin ang kanyang ulo ng isang matigas na bagay. Ngunit wala namang natagpuang murder weapon sa lugar ng insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

AICHI (TR) – nagsa-gawa ng isang imbestigasyon ang Aichi Prefectural Police matapos matagpuang patay ang isang presidente ng isang automotive repair firm sa lungsod ng Toyota nuong Linggo, mula sa ulat ng TV Asahi (June 7).

Bandang alas-1:20 ng hapon, isang kakilala ni Yasutsugu Nakane, presidente ng Arcadia, ang naka-tagpo sa biktima na naka-handusay na naka-dapa at naliligo sa sariling dugo mula sa sugat na natamo sa kanyang ulo sa loob ng kanyang opisina sa Wakabayashi Higashimachi area.

Kinumpirmang wala ng buhay ng mga emergency personnel na rumisponde sa lugar ang biktima, ani ng mga pulis.

Yasutsugu Nakane. (Twitter)

Ayon sa mga pulis, si Nakane, 61 anyos ay nag-tamo ng ilang mga sugat sa nuo at iba pang parte ng kanyang ulo, ito ay maaaring natamo niya ng hampasin ang kanyang ulo ng isang matigas na bagay. Ngunit wala namang natagpuang murder weapon sa lugar ng insidente.

Ayon sa mga kakilala ng biktima, si Nakane ay nakipag-usap pa sa kanila bandang alas-11:00 ng gabi nung maka-lawa. “Siya ay nakikipag-negosasyon sa iba’t-ibang mga tao, Siguro ay may nangyari,” ani ng mga ito.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund