TOKYO
Inirekumenda ng pulisya ang Uber Japan Co at dalawa sa mga dating empleyado nito sa prosecutors noong Martes dahil sa pagpag-hire sa dalawang Vietnamese na overstayer bilang staff sa paghahatid ng pagkain ng Uber Eats noong nakaraang taon na lumalabag sa batas ng Immigration control ng bansa.
Ang 47-taong-gulang na dating representative ng Uber Japan at isang 36-taong-gulang na dating empleyado na namamahala sa lega compliance ng kumpanya ay pinaghihinalaan na gumagamit ng dalawang mga overstayer para sa delivery sa pagitan ng Hunyo at Agosto 2020 nang hindi sinusuri ang kanilang visa status.
Ang dating legal compliance officer ay inamin na may kasalanan din siya, ayon sa kanya “alam niya na may flaw sa registration system” tuwing tatanggap ng mga bagong workers, ngunit wala siyang ginawa kaya’t nakalusot ang mga overstayer at napayagan na makapag trabaho sakanila.
Ang dating representative naman, na namumuno ngayon sa Uber Eats Japan Inc., ay tinanggihan ang mga paratang, ayon sakanya, hindi siya naabisuhan nang direkta tungkol sa bagay na ito, kaya’t wala siyng alam na may nakalusot pala na illegal workers sa kanilang kumpanya.
Isang lalaking Vietnamese na tinanggap ng kumpanya ang nag rehistro sa website ng Uber Eats na gumamit ng residence card ng ibang tao na nakuha niya sa isang online broker, ayon sa pulisya.
Sinabi ng ibang Vietnamese national sa mga investigator na tumatanggap ang Uber kahit na overstayer na tulad niya, idinagdag nila.
Noong 2020, natagpuan ng Tokyo Metropolitan Police Department ang 184 na mga kaso na kinasasangkutan ng paghire ng mga overstayer para sa serbisyo sa delivery ng Uber Eats.
© KYODO
Join the Conversation