Isang giant panda sa Ueno Zoological Gardens ng Tokyo ang nagsilang ng kambal. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may pinanganak ng kambal sa zoo.
Si Shin Shin ay nanganak ng isang cub pasado ala-una ng madaling araw ng Miyerkules at isa pang cub humigit-kumulang isang oras at kalahati sa Ueno zoo.
Noong Marso, si Shin Shin ay nakumpirma na nakikipag-mate kay Ri Ri, isang lalaking panda sa zoo. Nagsimula siyang magpakita ng mga palatandaan ng pagbubuntis kalaunan.
Inalis ng mga opisyal ng Zoo si Shin Shin mula sa zoo display at simula noon ay naghahanda para sa kanyang panganganak.
Sinabi ng mga opisyal na ang unang cub ay nagtimbang ng 124 gramo, ngunit ang bigat ng pangalawang cub ay hindi pa nalalaman.
Idinagdag nila na ang kasarian ng bawat isa ay hindi pa rin alam.
Ang kambal ay ang unang giant baby panda na ipinanganak sa Ueno zoo sa loob ng apat na taon. Noong 2017, ipinanganak ni Shin Shin si Xiang Xiang, na ngayon ay isang main star sa zoo.
Join the Conversation