Isang kababayan natin na ginang ang nasa kritikal na kundisyon ngayon matapos masagasaan noong June 12 ng isang kei na sasakyan habang siya ay nagbibisikleta at papatawid sana sa isang kalsada sa Toyota City.
Naganap ang aksidente noong alas-9 ng umaga noong ika-12 ng Hunyo. Ang bisikleta na minamaneho ni Odessa Kakita, 40 taong gulang na Philippine national ay papatawid sa isang kalsada nang mabangga ng kei car sa lungsod sa Obayashi-cho, Toyota City, Aichi Prefecture.
Ang biktima ay nakatira malapit sa pinangyarihan ng aksidente. Agad siyang isinugod sa ospital at nakaligtas ngunit wala pa din siyang malay hanggang ngayon.
Ang driver ng kei na sasakyan ay isang 18 taong gulang na lalaki at walang natamong sugat sa insidente. Hindi pinangalanan ang nakabangga dahil isa a itong minor ayon sa batas ng Japan.
Inaalam pa din ng pulisya ang sanhi ng aksidente.
Join the Conversation