Plano nang mag-bigay ng bakuna sa mga naka-babatang mamamayan ang mga state-run, large-scale coronavirus vaccination sites sa Tokyo at Osaka.
Ang bakuna para sa mga residenteng nag-eedad ng 65 anyos pataas ay kasalukuyan nang binabakunahan sa mga nabanggit na lugar, na siyang pinapa-takbo ng Defense Ministry. Ngunit marami pa rin ang mga free slots hanggang June 27.
Ipinahayag ng ministeryo na mag-sisimula nang tumanggap ng mga residenteng nag-eedad ng 18 hanggang 64 anyos ang mga venues mula sa buong bansa ngayong Huwebes. Sinabi nila na nilalayon ng nasabing hakbang na hindi masayang ang kapasidad ng pag-babakuna.
Ayon sa ministeryo, ang mga taong nais maka-tanggap ng bakuna ay dapat mayroong voucher na ibinigay ng mga munisipalidad na kanilang kinabibilangan.
Ang ministeryo ay isasagawa ang huling desisyon sa nasabing pag-babago ngayong Martes.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation