Share
Ang mga lugar sa kanlurang Japan, kabilang ang mga pangunahing lungsod ng Kyoto, Osaka at Kobe, ay magiging under quasi-emergency coronavirus measures mula sa Hunyo 21, matapos tanggalin ang state of emergency noong isang araw, maraming mga restaurants at bars na ang maaaring mag serve ng alcoholic beverages.
Subalit may mga kundisyon pa din na ipinataw sa mga kainan na dapat ay mahigpit pa din maipapatupad ang mga preventive measure laban sa mga impeksyon. Gayunpaman, ang mga kainan ay magsasara pa din ng maaaga, at inaasahang manatiling kakaunti pa din ang mga customer.
Sa ilalim ng mga quasi-emergency na hakbang, pinapayagan ang mga kainan na magserve ng alcoholic drinks hanggang 7 lamang ng gabi.
Join the Conversation