LALAKI, ARESTADO DAHIL SA PAGPATAY SA ISANG 19 TAONG GULANG NA BABAE SA CHIBA  

Mayroon ding natagpuang lubid sa lupa, at pinaniniwalaan ng mga awtoridad na pinaslang si Nakagome ilang minuto pagkaalis nito ng bahay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

CHIBA – Inaresto ng kapulisan ng
Sodegaura, Prepektura ng Chiba ang isang lalaki, 23, sa salang pagpatay sa isang 19 taong gulang na babae na kaniyang nakilala sa Social Networking, noong Mayo.

Ayon sa mga awtoridad, si Shota Natsumi, part-time worker sa isang karaoke parlor, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan sa salang pakikipagtalik sa isang menor de edad, at pananaksak sa biktima na nakilalang si Ami Nakagome, isang Hair Stylist Trainee, noong Mayo, iniulat ng Fuji TV.

Si Nakagome ay nanirahan kasama ang kanyang ina, at huli siya nitong nakita noong Mayo 7 bago umalis ng bahay. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa may halos 450 metro mula sa kanilang tirahan ng mga search parties sa isang Bamboo Forest, kasama ng kanyang kapatid at mga kaibigan, at gamit ang data ng GPS mula sa kanyang telepono.

May suot na damit ang mga labi ni Nakagome nang matagpuan at kalapit nito ang kanyang bag kung saan naroon ang kanyang mga personal na pagaari tulad ng wallet at smartphone.

Mayroon ding natagpuang lubid sa lupa, at pinaniniwalaan ng mga awtoridad na pinaslang si Nakagome ilang minuto pagkaalis nito ng bahay dahil nagsimula ng mabulok ang kanyang katawan ng ito ay matagpuan.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund