JOC executive, nasagasaan ng tren sa pinag-hihinalaang kaso ng pagpapa-tiwakal

Base sa ebidensiya sa lugar ng insidente, pinaniniwalaan ng mga pulis na sinadya ni Moriya na tumalon sa harap ng paparating na tren.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO (TR) – isang lalaking executive para sa Japanese Olympic Committee ang nasagasaan at namatay sa isang railway station sa Shinagawa Ward nuong Lunes.

Tinatrato ng mga pulis na ito ay isang kaso ng pagpapa-tiwakal, mula sa ulat ng Nippon News Network (June 7).

Pagka-lipas lamang ng ika-9:30 ng umaga, si Yasushi Moriya, 52 anyos ay tumalon mula sa platform ng Nakanobu Station sa riles kung saan parating ang Asakusa Line train.

Agad na isinugod sa pagamutan ng mga emergency personnel si Moriya. Subalit, ang biktima ay kinumpirmang namatay dalawang oras ang nakalipas, ayon sa mga pulis.

Napag-alaman ng mga pulis ang pagkaka-kilanlan ng lalaki mula sa isang ID na nasa dalahin nito.

Base sa ebidensiya sa lugar ng insidente, pinaniniwalaan ng mga pulis na sinadya ni Moriya na tumalon sa harap ng paparating na tren.

Matapos ang insidente, pansamantalang nahinto ang serbisyo ng linya sa pagitan ng Nishi-Magome at Sengakuji Station. Muli naman bumalik sa normal na serbisyo ang operator ng Toei Subway bandang alas-10:51 ng umaga.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund