Isang Nanay at kanyang boyfriend arestado sa pananakit ng kanyang one-year-old na anak

Inaresto ng pulisya sa Iizuka, Fukuoka Prefecture ang isang 21-taong-gulang na babae at ang kanyang 25-taong-gulang na boyfriend dahil sa umano'y pambu-bugbog sa kanyang isang taong gulang na anak noong nakaraang Disyembre. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang Nanay at kanyang boyfriend arestado sa pananakit ng kanyang one-year-old na anak

FUKUOKA

Inaresto ng pulisya sa Iizuka, Fukuoka Prefecture ang isang 21-taong-gulang na babae at ang kanyang 25-taong-gulang na boyfriend dahil sa umano’y pambu-bugbog sa kanyang isang taong gulang na anak noong nakaraang Disyembre.

Ayon sa pulisya, ang ina na si Juri Oishi, isang caregiver, at ang kasintahan na si Kai Furuta, isang company employee ay sinipa ang mukha ng anak ni Oishi at sinampal ng maraming beses habang siya ay nakaupo sa kanyang baby stroller, Iniulat ng Sankei Shimbun.

Ang insidente ay naganap sa elevator sa isang multi-story parking lot matapos silang makabalik mula sa pagdadala sa bata sa isang ospital upang magamot sa hindi matukoy na kadahilanan.

Gayunpaman, noong huling bahagi ng Disyembre, ang bata ay dinala muli sa ospital at nasuri siya ng mga doktor at nakitaan ng matinding subdural hematoma. Inabisuhan ng ospital ang pulisya tungkol sa isang kaso ng posibleng pag-abuso sa bata.

Sinabi ng pulisya na ang tatlo ay nakatira sa isang bahay kasama ang dalawang anak ni Furuta.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund