TOKYO (Kyodo) – Nagmarka ang Tokyo ng isang buwan hanggang sa pagsisimula ng Olympics ngayong Miyerkules, at mahigpit na ipinagbabawal ng mga organizers ang pag-inom ng alak sa mga venue ng palaro habang ipinatutupad ang seguridad para sa isang ligtas at masayang event sa kasagsagan ng pandemyang dala ng Coronavirus.
Ang Organizing Committee ng Olympics at Paralympics ay naglabas ng mga alituntunin pan- kaligtasan para sa mga ticket holders, kasama dito ang pagbabawal ng malakas na pagchi-cheer, pakikipag high-five at pagwagayway ng mga tuwalya, bilang karagdagan sa mga ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga inuming nakalalasing sa mga venues at malinaw na pingbibigyang diin na huwag magdala ng kanilang sari-sariling alcoholic beverages.
“Isang secure at ligtas na game event ang nais na maisagawa ng organizing committee, at kami ang mga taong responsable upang mangyari ang mga iyon.” pahayag ng Committee President na si Seiko Hashimoto, ” Kung ang mga Hapon ay magkaroon o mayroong kahit kaunting bahid ng pagaalala, dapat na kami sumuko.”
Sinabi ni Hashimoto na ang Asahi Breweries, isa sa pangunahing sponsor ng palaro, ay tinanggap ang kanilang desisyon.
Isinasaalang-alang din ng mga organizers ang pagbebenta ng alkohol sa mga venues sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang mga paghihigpit sa pagbibigay kunsiderasyon sa pangunahing Japanese Brewery, ayon sa mga opisyal na pamilyar sa mga nagaganap na pagpaplano.
Ang ideya, gayunpaman, sumailalim ng kritisismo galing sa publiko, mga medical experts at kapwa ruling at oposisyon.
Ang tagapagsalita ng nangungunang gobyerno ng Japan na si Katsunobu Kato ay sumuporta sa desisyon sa kanyang regular na press conference, at sinasabi na “napakahalaga” para sa organizing committee na isaalang-alang ang opinyon ng publiko.
Bukod sa iba pa, ang mga alituntunin laban sa coronavirus ay nagsasaad na ang mga taong may temperatura sa katawan na 37.5 C o mas mataas, o sa mga may pinapakitang sintomas gaya ng lagnat ay hindi papayagang makapasok.
At dahil panahon ng tag-init sa Japan, pinapayagan ang mga manonood na alisin ang kanilang mga face mask sa labas kung masisiguro nilang mayroon silang dalawang metro o higit pang pisikal na distansya mula sa iba.
Hinihiling sa kanila na itago ang kanilang mga ticket stubs o data ng tiket nang hindi bababa sa dalawang linggo pagkatapos pumasok sa isang venue. Kung mayroong mag-positibo sa COVID-19, nasasaad sa guidelines na ang petsa ng pagdalo ng taong nahawahan at ang numero ng kanilang upuan ay nakalista sa opisyal na website ng Tokyo Games at posted sa social media.
Sa pagumpisa ng one-month countdown, ang komite ay naglunsad din ng isang opisyal na smartphone app, na magagamit upang makita at masubaybayan ang mga resulta ng kaganapan at makita ang medal table.
Ang Gobernador ng Tokyo na si Yuriko Koike ay hindi nag-public appearance nitong Miyerkules, dahil ito’y lumiban sa trabaho dahil sa severe fatigue. At ayon sa ilang malapit na indibidwal sa gobyernadora, ito ay na-admit sa isang hospital sa kabisera noong Martes.
Ang mga atleta ay nagsisimulang magsi-dating sa Japan sa buwan na ito para sa kanilang mga training camps, ngunit ang mga organizers ng Olympics at Paralympics ay patuloy na nakikipaglaban sa pagbaling ng public sentiment pabor sa paghahanda sa palaro sa gitna ng pandaigdigang health crisis.
Nagbigay ang mga organizers ng ideya sa publiko at mga kalahok kung ano ang kahantungan ng Olympics kung sakaling ang nasabing event ay ipostpone dahil sa limitasyon ng pagdagsa ng mga manunuod.
Napagpasyahan nila kung ano ang gagawin sa mga lokal na tagahanga noong Lunes, at sinasabing ang mga venue ay maaaring mapunan sa 50 porsyento ng kapasidad, hanggang sa maximum na 10,000 na manonood, at kinusidera ang posibilidad na i-host ang Palaro “behind closed doors” kung lumala ang sitwasyon ng impeksyon.
Ang desisyon ay nagawa lamang matapos i-lift ang State of Emergency sa Tokyo at sa iba pang mga lugar sa bansa.
Gayunpaman, nagbabala ang mga medical experts patungkol sa posibleng resurgence ng virus bago o pagkatapos magsimula ang Olympics sa darating na Hulyo 23. Napag-alaman batay sa kamakailang survey ng Kyodo News na halos 86 porsyento ng mga tao sa Japan ang nag-aalala tungkol sa peligro ng isang rebound sa COVID-19 cases.
Matapos hadlangan ang mga manonood mula sa ibang bansa noong Marso, sinabi ni Hashimoto na ang desisyon sa limitasyon para sa mga lokal na manonood ay ang “Final Piece” ng pinaka-kumplikadong bahagi ng paghahanda, bago ang isa pang lottery na gaganapin para mga ticket holders upang malaman kung sino ang mapapalad na makapasok at makanuod.
Mula nang ipagpaliban ang Olympics at Paralympics noong nakaraang taon, ang mga organizers ay naharap sa ilang “challenges” mula sa muling pag-secure ng mga venue, pag-review ng costs, pagbubuo ng mga hakbang para sa Anti-Virus Law at pagtuloy sa pag-attempt na siguruhin ang publiko na ang mga palaro ay maaaring ligtas na maganap.
Ang mga koponan ng Japanese at Australian Softball ang magtataas ng kurtina sa kompetisyon sa Hulyo 21 sa Hilagang-Silangang Prepektura ng Fukushima bago ang opisyal na pagbubukas ng Olympics. Pormal na magbubukas ang Athlete’s Village sa Hulyo 13.
Natatampok ng humigit-kumulang na 11,000 mga atleta mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, 33 Sports ang lalahukan ng mga manlalaro na magsasara sa Agosto 8. Upang mapigilan ang pagkalat ng virus, ang mga atleta ay itatago sa isang “bubble” at hindi papayagang makihalubilo kasama ang mga lokal o bumisita at mamasyal sa mga lugar sa labas ng kanilang mga venue o tirahan.
Itinakda ng International Olympic Committee ang deadline para sa Qualification Period na magtatapos sa susunod na Martes at hangang Hulyo 5 naman ang Athlete’s Registration Period.
Ang Tokyo Leg Torch Relay ay nakatakdang magsimula sa Hulyo 9. Habang ang humigit-kumulang na 10,000 mga runners ang unang itinakda upang dalhin ang Olympic Flame sa 47 Prepektura ng bansa, pinaliit o inalis ng organizing committee ang pagdala ng event sa mga pampublikong kalsada sa maraming lugar, kasama na ang Hokkaido, Osaka at Fukuoka.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation