Ang isang lalaki na inuusig dahil sa pag-paslang sa kanyang pamiya ay nag-sabi na wala siyang maalala

Sinabi ni Hiromi Komatsu na wala siyang maalala sa mga krimen ipinaparatang sa kanya, ulat ng Fuji TV. Sinabi ng kanyang defense team na siya ay nagkaroon ng permanent amnesia mula nang ito ay kinulong.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Habang nagsasalaysay sa isang opening session sa kanyang pagsisiyasat sa Mito District Court, sinabi ni Hiromi Komatsu na wala siyang maalala sa mga krimen ipinaparatang sa kanya, ulat ng Fuji TV. Sinabi ng kanyang defense team na siya ay nagkaroon ng permanent amnesia mula nang ito ay kinulong.

Si Komatsu ay inaresto sa suspetsang pag-patay sa isa sa kanyang mga anak nuong October 6, 2017. Siya ay isinailalim sa tatlong buwang psychiatric tests upang malaman kung siya ay criminally responsable sa kanyang mga ginawang aksyon.

Napag-alaman ng korte na ang resulta ay nagpapa-kita na alam ni Komatsu ang kanyang mga ginagawa kung kaya ipinagpa-tuloy ang kaso laban sa kanya nitong Sabado.

Matapos ang kanyang pagka-aresto, sinabi ni Komatsu sa mga pulis na pinatay niya ang kanyang asawa dahil ito ay balak na makipag-hiwalay na sa kanya. Matapos nito ay sinunog niya ang kwarto sa kanilang apartment sa pamamagitan ng pag-gamit ng lighter matapos nitong mag-saboy ng gasolina sa paligid. Napatay ang apoy makaraan ang isang oras na siya tumupok sa mahigit na 7 square meter area.

Ang asawa ni Komatsu na nuo’y 33 anyos na si Megumi at ang kanila limang anak na babae si Mua (11), Takara (7), Rua (5) at kambal na lalaki na sina Rairu at Reiru (3) ay natagpuang patay sa loob ng nasunog na tahanan.

Nakita sa resulta ng awtopsiya na ang anim na katao ay namatay dahil sa kawalan ng dugo mula sa tinamong mga saksak at pagka-langhap ng usok mula sa sunog.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund