70 anyos na lalaki, nanirahan kasama ang patay na asawa sa loob ng 2 taon

Inamin ni Araya ang ipinaratang na alegasyon laban sa kanya ng ito ay maaresto.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

FUKUSHIMA (TR) – inaresto ng Fukushima Prefectural Police ang 70 anyos na lalaki matapos matagpuan ang bangkay na pinaniniwalaang sa asawa nito sa loob ng kanilang tahanan sa lungsod ng Iwaki, mula sa ulat ng NHK (June 27).

Nuong gabi ng Sabado, pumunta si Yoshiyuki Araya sa istasyon ng pulis at nag-sabi na, “Ang asawa ko ay patay na at naruon sa aming tahanan,” ani nito.

Ang mga officer na bumisita sa nasabing bahay ay natagpuan sa loob ang bangkay ng ginang. Sinabi ni Araya sa Iwaki-Higashi Police Station na ang kanyang asawa na si Yuriko ay pumanaw bandang Abril ng taong 2019.

&nbsp70 anyos na lalaki, nanirahan kasama ang patay na asawa sa loob ng 2 taon
Isang bangkay ang natagpuan sa isang residente sa Iwaki City nitong weekend. (Twitter)

Magkasamang naninirahan sa kanilang tahanan si Araya at ang kanyang asawa. Inamin ni Araya ang ipinaratang na alegasyon laban sa kanya ng ito ay maaresto sa salang suspicion of abandoning a corpse nitong Linggo, ayon sa mga pulis.

Nagsasa-gawa na ng imbestigasyon ang mga pulis ukol sa pagkaka-kilanlan ng labi. Isang awtopsiya ang isasa-gawa nagyong Lunes.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund