Sinabi ng health ministry ng Japan na nakatanggap ito ng mga ulat ng halos 140 cases ng mga pagkakamali na nauugnay sa pagbabakuna sa coronavirus nationwide, kasama na ang paggamit ng mga used na syringes.
Ang ministro ay nananawagan sa mga munisipalidad sa buong bansa na mag-ulat ng anumang mga pagkakamali sa sandaling nangyari ito habang binabakunahan ang mga residente.
Sa higit sa 23 milyong shots na ibinigay hanggang Hunyo 16, sinabi ng ministeryo na 139 ang nasangkot sa mga pagkakamali. Nagsasama sila ng mga kaso kung saan ang dalawang doses ay ibinigay sa isang hindi tamang agwat ng pag bigay, o ang saline solution lamang ang na-inject.
Sinabi ng ministeryo na 70 sa mga kasong iyon ay maaaring humantong sa malubhang pinsala sa kalusugan. Sa 23 na insidente, mayroong panganib na magkaroon ng impeksyon sa dugo.
Sinabi ng ministri na binigay nila sa mga munisipalidad ang naiulat na pagkakamali, at hinimok sila na gumawa ng mga naaangkop na hakbang upang maiwasan ang pag-ulit ng ganitong insidente.
Join the Conversation