7 na workers sinugod sa ospital matapos magka acid spill sa isang Tokyo factory

Pitong katao ang dinala sa ospital matapos na mag leak ang nitric acid sa isang pabrika sa kanlurang Tokyo lungsod ng Ome noong umaga ng Hunyo 21, ayon sa pulisya at iba pang mga sources. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp7 na workers sinugod sa ospital matapos magka acid spill sa isang Tokyo factory

TOKYO – Pitong katao ang dinala sa ospital matapos na mag leak ang nitric acid sa isang pabrika sa kanlurang Tokyo lungsod ng Ome noong umaga ng Hunyo 21, ayon sa pulisya at iba pang mga sources.

Bandang 9:20 ng umaga noong Hunyo 21, isang worker sa pabrika ng paggawaan ng mga turnilyo at iba pang mga item ay tumawag ng ambulansya at nagreport na may nag leak na acid sa factory.

Pitong manggagawa ang nakaranas ng pagkahilo at iba pang mga sintomas at agad na isinugod sa ospital, ayon sa Ome Police Station. May isang manggagawa ang nagtamo ng paso sa kanyang katawan matapos magka body contact sa kemikal at ang iba ay nasinghot ang acido.

Ang kemikal ay pinaniniwalaan na nitric acid. Naiulat na ang ilalim ng isang timba na may dalang acid ay nahulog nang binibitbit ng mga manggagawa.

Iniimbestigahan ng Ome Police Station ang mga detalye sa likod ng insidente.

(Orihinal na Japanese ni Takuya Suzuki, Tokyo City News Department)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund