AICHI (TR) –inaresto ng Aichi Prefectural Police nuong nakaraang linggo ang 23 anyos na babae matapos matagpuan ang labi ng kanyang Peruvian boyfriend sa kanilang tahanan sa Toyohashi City, mula sa ulat ng CBC TV (June 18).
Bandang alas-8:00 p.m. nuong ika-17 ng Hunyo ay tumawag si Natsuki Ahagon sa emergency services mula sa kanilang tahanan.
Natagpuan ng mga emergency personnel na rumisponde sa tawag ang labi ni Alvaro Elmo Munillos Serkin na walang saplot sa loob ng banyo.
Ang biktima ay puno ng sugat sa kanyang katawan, kabilang ang kanyang mga braso at binti. Ito ay kinumpirmang wala ng buhay, ayon sa mga pulis.

Nang sumunod na araw, inakusahan ng mga pulis si Ahagon sa pananakit sa biktima. “Siya ay aking sinasaktan araw-araw,” ani ng suspek.
Ayon sa mga pulis, ang suspek ay inakusahan ng pananakit sa suspek ilang araw bago pa ito madiskubre.
Ayon sa resulta nang isinasa-gawang awtopsiya, ang biktima ay nag-tamo ng hiwa sa kanyang iliac artery na siyang naging sanhi ng pagka-matay nito. Ngunit, ang nasabing pananakit ng suspek sa biktima ang nag-sanhi ng pagta-tamo nito ng hiwa sa artery.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation