Pananawagan sa pagpapa-haba ng state of emergency

Sa buong bansa, ipinahayag ng health ministry ng Japan na ang bilang ng mga pasyenteng nakararanas ng malubhang kaso ng COVID-19 ay nag-tala ng mataas na datos. 1,303 na pasyente ay kasalukuyang ginagamot sa intensive care unit at mga naka-ventilator. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPananawagan sa pagpapa-haba ng state of emergency

Ikinu-kunsidera ng mga opisyales ng Japan na pahabain pa ang state of emergency sa kabila ng ini-schedule na pag-tatapos nito sa ika- 31 ng Mayo. Sa ilalim ng kasalukuyang sitwasyon, nabigong bumaba ang bilang ng impeksyon ng coronavirus sa 9 na prepektura, kabilang ang Tokyo at Osaka.

Ayon kay Prime Minister Suga Yoshihide, pag-aaralan muna ng gobyerno ang infection rates bago pa pag-desisyonan kung ipa-i-extend na emergency measures.

Sabi ng ibang sangay ng pamahalaan, dapat pahabaan pa ang deklarasyon sa siyam na prepektura hanggang ika-20 ng Hunyo.

Nitong Linggo, ang state of emergency ay ipina-haba at sinakop ang southern prefecture ng Okinawa.

Ayon sa opisyal ng Okinawa capital, ang Naha, ay nag-bukas ng vaccination site. Nag-kumpirma ng 231 bagong kaso ng impeksyon nitong Sabado ang prepektura. A ng pigura ay kasalukuyang nag-tala ng mataas na datos ng impeksyon sa prepektura.

Samantalang sa northernmost prefecture ng Hokkaido, na siyang pumapa-ilalim sa deklarasyong ng state of emergency, ay nag-ulat ng pinaka-malaking bilang ng impeksyon sa buong bansa sa loob ng dalawang araw. Nag-pasya nang mag-sara ang mga malalaking department stores nuong Sabado at Linggo, maliban lamang sa mga tindahan na nag-bebenta ng mga pang-araw araw na kailangan.

Sa buong bansa, ipinahayag ng health ministry ng Japan na ang bilang ng mga pasyenteng nakararanas ng malubhang kaso ng COVID-19 ay nag-tala ng mataas na datos. 1,303 na pasyente ay kasalukuyang ginagamot sa intensive care unit at mga naka-ventilator.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund